Wala nakong ginawa kundi kumain at matulog at mag-alala about flowers, scents, PSYCHIC WARFARE, & a grand eulogy. Dalawang beses nakong nakakatulog sa last full show ng mga pinapanuod namin na Metro Manila Film Fest features. Di ko nga malaman kung ganun lang talaga ako nakornihan sa mga palabas or na-upset nang todo na naman ang body clock ko. Inaasam ko pa rin sa kabila ng lahat na magkaroon ng wireless headset at digital pen para sa selpown atsaka black messenger bag, pati Nike yoga mat at picnic basket para sa bago kong tambayan/altar na kelangang bakuranan ko palagi ng bulaklak at kandila. Nakakalungkot lang din isipin na ang mga kantang uber-mainstream na Tell Me, Hard To Say I'm Sorry, The Reason, Sway, I Miss You (& Me), at Paglisan ay may mas makapagbagbag-damdaming kahulugan na para saken to the point na mapapahagulgol na lang ako sa dyip o bus o mall, the way Adia will always break my heart everytime I'd hear — & SING — it, na minsang kinanta namin ng pinakabata kong kapatid na babae sometime last summer. Nakakabanas ding ma-realize na wala nakong mapaglalaanan ng mga coffee table books about art, architecture, atbp at makakasamang kakanta ng mga Ayumi Hamasaki et al songs sa Red Box o magtitrip sa Ayala Museum, Lumiere, Little Tokyo, Rockwell, at Eastwood kahit walang mga pera, hehehe. PUNYETA. Di ko na alam anong gagawin ko. Tinatanong ako ng halos lahat kung ano nang plano ko with my life — ETO PA RIN ANG ISASAGOT KO: WALA. Why do more promising people have to end their lives while yung mga walang silbe't paninidiga't kamuwang-muwang at kapaki-pakialam ay nananatiling maghasik ng lagim na parang mga ipis na naglipana sa slum area? Hayyy buhayyy, NAKAKABAGOT nga naman talaga.