Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapasayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako?
Andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo?
Aasa ba ‘ko sa ‘yo?
Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot
Ay di rin isang tanong
Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo?
Asan ba ‘ko sa ‘yo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo?
Aasa ba ‘ko sa ‘yo?
Dahil ‘di na makatulog
Hindi na makakain
Dahil hindi na makatawa
Dahil, hindi na
Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito nalang ako
Nahihilo...
Nahihilo...
Nalilito...
(MOTD) - Moonstar88 - Migraine